DTI, HINIKAYAT ANG MGA PANGASINENSE NA MAMILI NA NANG MAAGA NA MGA KAKAILANGANIN PARA SA NOCHE BUENA

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Hinikayat ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang mga Pangasinense na maaga nang bumili ng mga kailangan para sa Noche Buena.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay DTI Provincial Director Natalia Dalaten, sinabi nito na maliban sa pag-iwas sa tinatawag na Christmas Rush ay mas makakapamili pa ng maayos kapag mas maaga ang pamimili.

Bagamat sa ngayon aniya, karamihan ay wala pang 13th month pay, maigi ng magplano mabuti kung ano ang mga gustong bilhin na ihahanda sa Noche Buena.


Sa ngayon, base sa huling monitoring ng ahensya ay wala pang mga pagtaas ng mga pangunahing bilihin na pang Noche Buena bagay na dapat ay samantalahin ng mga mamimili.###

Facebook Comments