MGA PANGASINENSE NAGDIDIWANG PA DIN KAHIT NA MISS USA ANG TINANGHAL NA MISS UNIVERSE

Bagamat nabigo ang ating kababayan na maiuwi ang Miss Universe 2022 crown kahapon, nagdiriwang pa din ang mga Pangasinense dito sa Pangasinan sa pagkapanalo ni miss universe 2022 R’bonney Gabriel ng USA
Ito ay sa kadahilanang ang mga suot ng gown ni Gabriel ay gawang pangasinan
Ang mga gown na isinuot ni Gabriel ay dinisenyo ng tubong alcala pangasinan na si Rian Fernandez
Maging ang suot nitong kulay itim na gown noong announcement na ng winners ay gawa din ni Fernandez
Kaliwat kanan ngayon ang pagbati kay Fernandez sa isang napakagandang obra na ngayong ay trending pa rin
Maliban sa obra na gown ng tubong pangasinan na si Fernandez ay nagmamalaki din namang inanunsiyo ni R’bonney na siya ay isang Filipino American.
Facebook Comments