Ilang linggo nang nararanasan ang mataas na presyo ng bigas sa lalawigan ng Pangasinan.
Dahil dito, ilang Pangasinense ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa mataas na presyo ng bigas at mayroong din nagpahayag na naiintindihan anila ang paggalaw ng presyo nito.
Ayon sa mga residenteng nagpahayag ng kanilang reklamo dahil sa taas ng bigas nagtitipid na anila sila sa ibang bilihin dahil upang mabili lang ang bigas na pinaka-kailangan na pagkain.
Habang ang iba naman ay ayos lang anila sila sa paggalaw ng presyo dahil s amga nagdaang bagyo at upang makabawi rin, naiintindihan anila ang mga magsasaka at mga nagbebenta ng bigas na itinaas nila ang presyo dahil sobrang naman anila ang ginagawa nila sa bukid.
Naniniwala ang dalawang panig na magkakaroon ng Magandang solusyon ukol sa mataas na presyo.
Samantala, inilabas ng Department of Agriculture – Regional Agriculture and Fisheries Section (DA-RAFIS) ang mga presyo ng bigas, kung saan nasa 31.58% ang inakyat ng presyo ng ilang bigas na ibinibenta sa ilang pamilihan sa Ilocos Region.
Sa datos ng DA-Ilocos sa Pangasinan, ang presyo ng special rice noon ay nasa ₱48.50/kg ngayon nasa ₱55/kg na, habang ang premium milled na nasa a₱46.00/kg noon, ngayon gumalaw na ito sa ₱54/kg, sa well milled rice ay nasa ₱41/kg ngayon nasa ₱52/kg, at ang regular milled na bigas naman ay nasa ₱37/kg noon, ngayon umakyat na ng ₱50/kg.
Sa datos pa rin, may paggalaw na rin ang prevailing farm gate price ng palay sa probinsiya at ito ay nasa ₱23/kg ang presyo ng basa at nasa ₱28/kg sa tuyong palay. |ifmnews
Facebook Comments