Nananawagan ang mga Pangasinense sa kinauukulan sa mas konkreto at epektibong solusyon kontra baha matapos malaman ng mga ito ang milyon-milyong pisong pondo na inilalaan ng gobyerno para lamang sa flood control projects.
Daing ng karamihan ang paulit-ulit umanong sitwasyon na sa tuwing bumabagyo, o kahit pa konting ulan ay kawawa umano ang mga residente dahil sa epekto ng pagbaha sa kani-kanilang lugar.
Umaapela ang mga ito sa nararapat na pananagutan sakaling may sangkot umanong opisyal sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Lumalabas sa inilunsad na Sumbong sa Pangulo website, mula 2022 hanggang 2025, sa lalawigan ng Pangasinan, umabot ng higit labingtatlong bilyong piso ang ipinondo sa mga itinayong flood control projects.
Mungkahi ng mga Pangasinense, ang pagiging transparent ng mga opisyal pagdating sa pondo ng taumbayan, upang matiyak na sa tamang mga proyekto at programa napupunta ang buwis ng mga Pilipino.
Samantala, patuloy na pinag-uusapan sa bansa ang isyu sa flood control projects, kasabay ng pag-usad ng imbestigasyon kung saan ilang mga kontratista at DPWH officials na ang sumailalim sa mga pagdinig, maging ang pagkakadawit ng pangalan ng ilang senador kaugnay sa isyu. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









