MGA PANGASINENSENG KABILANG SA LANDSLIDE PRONE AREAS, PINAALALAHANAN NG OTORIDAD BUNSOD PA RIN NI BAGYONG EGAY

Pinaalalahanan ng otoridad ang mga Pangasinenseng kabilang sa mga lugar sa lalawigan ng Pangasinan na very highly susceptible to landslides o mga bahagi na posibleng magkaroon ng mga pagguho ng lupa bunsod pa rin ng nararanasang epekto ni Bagyong Egay.
Kabilang sa mga landslide prone areas ay ilan sa mga bahagi sa ilalim ng ikalawang distrito o ilang bahagi sa bayan Aguilar, Bugallon, Labrador, Mangatarem. Sa ilalim naman ikaapat na distrito, ilang bahagi rin ang landslide prone sa mga bayan ng San Fabian at San Jacinto.
Sa ilalim ng ikalimang distrito, ilang mga bahagi sa bayan ng Binalonan, Pozorrubio at Sison. At sa ikaanim na distrito, ilang mag bahagi rin sa mga bayan ng Natividad, Umingan, San Quintin, San Manuel, San at Nicolas.

Kung nais malaman ang mga partikular na lokasyon ng mga landslide prone areas, maaaring magtungo sa Facebook page ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Hinihikayat ang lahat na maging alerto upang kung mangyari lamang na may mga mangailangangan ng emergency rescue ay maaaring matulungan ng mga nakaantabay ng rescue team ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments