Alas-diyes ng umaga sa darating na Miyerkules, July 31 ay nakatakdang pulungin ng House Committee on Metro Manila Development ang mga ahensiya na may mandatong tumugon sa mga kalamidad tulad ng bagyo at pagbaha.
Ang pulong ay ikinasa ng chairman ng komite na si Manila 2nd District Representative Roland Valeriano sa gitna ng nararanasan ngayong matinding pagbaha dulot ng matinding ulan na hatid ng Super Typhoon Carina at Habagat.
Binanggit ni Valeriano na kabilang sa mga imbitado sa pulong ang mga opisyal ng mga Local Government Units (LGUs), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sabi ni Valeriano, pinapadalo rin sa pulong ang National Disaster Risk Reducation and Management Council (NDRRMC), mga kinatawan ng NOAH o natiowide operational assessment of hazards at mga garbage contractors.