Mga Pangunahing Bilihin, Dapat Walang Pagtaas ng Presyo

Cauayan City, Isabela- Muling ipinapaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang pagpapatupad ng Price Freeze sa mga pangunahing bilihin matapos ideklara ang buong Luzon sa State of Calamity dahil sa matinding pinsala na dulot ng mga magkakasunod na bagyo.

Sa ilalim ng Price Act, otomatic na ilalagay sa Price freeze ang mga basic necessities kung isinailalim na ang lugar sa State of Calamity.

Animnapung (60) araw na tatagal ang Price Freeze sa buong Luzon kaya’t pinapaalalahanan ang mga nagtitinda at business owners na sundin at ipatupad ito at wala munang magtataas ng presyo.


Sa DTI, sakop nito sa Basi necessities ang mga canned goods, processed milk, kape, instant noodles, laundry soap, detergent, kandila, tinapay, asin, at mga conatiners.

Habang sakop naman ng Department of Agriculture (DA) sa price freeze ang bigas, mantika, fresh, dried, and other marine products, itlog, karne, fresh milk, gulay, root crops at mga prutas.

Sakaling may nakita na hindi sumunod sa Price Freeze ay isumbong o makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng DA at DTI para agad na matugunan ang naturang concern.

Facebook Comments