
Tiniyak ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang pagtutok at pagsusulong ng mga kailangang batas at polisiya para masolusyunan ang mga pangunahing suliranin sa sektor ng edukasyon na tinukoy sa Final Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).
Nangako si Dy na gagamitin ng Kamara ang EDCOM II report bilang gabay sa patuloy na paggawa ng mga batas, sa masusing oversight, at sa matalinong paggastos ng pondo ng bayan—para sa tunay na pagkatuto ng bawat batang Pilipino.
Diin ni Dy, sa kasalukuyang administrasyon ay prayoridad ang edukasyon na nilaanan ng P1.34 na pondo sa ilalim ng 2026 national budget.
Sabi ni Dy, babantayan ng Kamara ang paggastos sa nasabing alokasyon upang masigurado na matutugunan nito ang krisis sa edukasyon dahil sa mababang literacy rate, mahinang pundasyon sa mga unang taon, at kulturang inuuna ang proseso kaysa tunay na pagkatuto.
Kabilang sa mga itinutulak na reporma ang early childhood development, remedial learning, career progression ng mga guro, at mental health sa mga paaralan.










