Mga pangunahing problema sa bansa, tiwala ang isang senador na tatalakayin ni PBBM sa SONA

Kumpyansa si Senator Ramon Bong Revilla Jr., na tatalakayin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang mga pangunahing problema ng bansa.

Tiwala si Revilla na mababanggit ng pangulo sa kanyang SONA sa Lunes, July 24, ang mga problema sa bansa na nangangailangan ng agarang solusyon.

Kabilang sa mga pangunahing problemang ito ang mataas na presyo ng mga bilihin, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, pagpaparami ng disenteng trabaho, paglutas sa problema ng kahirapan, at pagpapaigi ng edukasyon.


Umaasa rin si Revilla na babanggitin ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA ang mga katapat na solusyon sa mga nabanggit na problema.

Aabangan din ng mambabatas ang mga magiging polisiya ng pangulo sa pagtugon sa kahirapan at gutom na nararanasan ng mga kababayan.

Para kay Revilla, ang mataas na approval rating ni Pangulong Marcos ay isang magandang indikasyon na ang unang taon nito sa panunugnkulan bilang pangulo ay nasa tamang direksyon.

Tiwala rin si Revilla na maipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon sa mga susunod na taon.

Facebook Comments