Mga panibagong buwis para mabayaran ang utang ng Pilipinas, iminungkahi ng DOF

Pinangangambahang pasanin ng mga Pilipino ang pagbabayad sa lumulobong utang ng gobyerno.

Kasunod ito ng ipinanukalang fiscal consolidation at resource mobilization plan ng Department of Finance (DOF) kung saan nakapaloob ang pagpapataw ng bagong buwis, mas mataas na value added tax (VAT) at pagbawi sa income tax deduction.

Ito ay para mabayaran ang utang ng pamahalaan na lumobo na sa ₱12.68 trillion noong Marso na inaasahang papalo pa sa ₱13.1 trillion na resulta ng pag-utang ng bansa para sa COVID-19 pandemic response.


Samantala, kabilang sa mga ipinanukalang reporma sa buwis ng DOF ay ang excise tax sa motorsiklo, cryptocurrencies at single-use plastics; VAT sa digital service providers; at carbon tax.

Batay sa pagtaya ng DOF, kung ipapatupad ng Marcos administration ang mga bagong hakbang ay makakalikom ang gobyerno ng kabuuang ₱349.3 billion kada taon.

Facebook Comments