Mga pantalan sa bansa, handa na sa posibleng epekto ng Bagyong Marce

Maagang nag-abiso ang Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng mga Port Management Offices (PMOs) sa buong bansa na agad na ipatupad ang mga hakbang sa posibleng epekto ng Bagyong Marce.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na sa mga pantalan na unang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine.

Sa pahayag ng PPA, bagama’t mayroong mga naitalang nasirang port facilities dahil sa Bagyong Kristine, lahat naman ng mga pantalan ay fully operational at bumalik na sa normal ang mga biyahe.


Inatasan din ng PPA ang lahat ng port manager na palagian makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, shipping lines, at port terminal management operators para magimg updated sa sitwasyon.

Sakali naman magkaroon ng mga stranded na pasahero dahil sa sama ng panahon, handa ang PPA para tulungan ang mga apektadong pasahero.

Facebook Comments