Mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naghigpit ng seguridad matapos ang pamamaril sa isang opisyal sa PMO Palawan

Nagpatupad na ng mas mahigpit na seguridad ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pantalan sa Palawan at iba pang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado.

Ito ay kasunod ng pagpaslang kay Atty. Joshua Lavega Abrina, Officer-in-Charge ng Administrative Division ng Port Management Office sa Palawan.

Pinagbabaril si Atty. Abrina sa tapat ng kaniyang tahanan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City kagabi.

Ayon sa ulat, kagagaling lamang ng biktima mula sa isang prayer meeting kasama ang kaniyang pamilya nang mangyari ang krimen.

Mariing kinokondena ng PPA ang pagpaslang habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang mga suspek.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay at tulong ang PPA-PMO Palawan sa pamilya ng biktima at tiniyak na makikipagtulungan sa mga awtoridad upang mapabilis anv pag-usad ng imbestigasyon at maibigay ang hustisya.

Facebook Comments