Mga panukala laban sa korapsyon, aaprubahan agad sa pagbabalik sesyon

Nangako ang liderato ng Kamara na mamadaliin sa pagbabalik sesyon ang pagpapatibay sa mga anti-corruption measures upang tulungan na palakasin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon at iba pang katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, magtatrabaho ng maigi ang Mababang Kapulungan para maaprubahan agad ang mga nakabinbin na panukala kaugnay sa anti-red tape at anti-corruption campaign ng Pangulo.

Tiniyak din ni Romualdez na suportado ng House leadership sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco ang marching orders ng Presidente sa Kongreso para wakasan na ang malalim at systematic corruption sa gobyerno.


Aniya, nararapat lamang din na suportahan ng Kamara ang direktiba ng Pangulo sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa korapsyon sa pamahalaan.

Mababatid na lumabas ang direktiba kasunod na rin ng pagkakadawit ng mga kongresista sa sinasabing anomalya sa mga local projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, matatandaan na bago ang Undas break ng Kongreso ay naihabol na maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang paggawad ng anti-red tape powers sa Punong Ehekutibo tuwing may national emergency para mapabilis ang transaksyon at pagkuha ng mga clearances, permits at certificates sa pamahalaan.

Facebook Comments