Mga panukalang batas na ipinasa ng Kamara para sa mga manggagawa, pinapa-aksyunan sa Senado

Kasabay ng paggunita sa Labor Day ngayong araw ay umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mga senador na agad ipasa ang mga panukalang batas na pinagtibay na sa Kamara.

Layunin ng nabanggit na mga panukala na mabigyan ng proteksyon at maisulong ang kapakanan ng milyun milyong mga manggagawang Pilipino sa larangan ng maritime, teaching, media at show business.

Pangunahing tinukoy ni Villafuerte ang panukalang Media Workers’ Welfare Act na nagbibigay kasiguraduhan na naipagkakaloob ng media companies at networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.


Binanggit din ni Villafuerte ang ‘Eddie Garcia Bill’ na nagsusulong naman sa kapakanan at kaligtasan ng mga nagtatrabaho o independent contractor sa a Film, Television and Radio Entertainment Industry.

Ayon kay Villafuerte, mahalagang maipasa na rin ang panukala na nag-aamyenda sa “Government Service Insurance System Act of 1997” para maibaba sa 56 years old ang dating 60 na optional retirement age ng mga nagtatrahabo sa gobyerno.

Kasama rin sa panukalang ipinapakiusap ni Villfuerte sa Senado na iprayrodad ang Magna Carta of Filipino Seafarers na nagpapahusay sa ating marinero sa pamamagitan ng pag-aangat sa kalidad ng kanilang edukasyon, pagsasanay, gayundin ang certification and licensing system.

Facebook Comments