Napapanahon na para sa isang eksperto ang pagsasabatas ng mga panukalang magkokontrol at magpaparusa sa galaw ng mga foreign ships at vessels sa ating katubigan.
Sinabi ito ni International Security Analyst Professor Rommel Banlaoi sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa ilegal na pagpasok ng isang chinese vessel sa Sulu sea.
Ayon kay Banlaoi, sa ngayon kasi ay walang batas ang Pilipinas upang panagutin ang mga naturang foreign body na ilegal na pumapasok sa ating bansa.
Dahil dito, napapanahon nang ipasa ang Maritime Zones Law at ang Archipelagic Sea Lines Law.
Layon ng mga naturang batas ang matukoy ang mga lugar kung saan lamang pwedeng magsagawa ng malayang paglalayag at mapanagot ang mga lalagpas dito.
Facebook Comments