Itinutulak ni Senator Christopher “Bong” Go ang agad na pagapruba sa mga panukalang batas na may kinalaman sa pagpapalakas ng suporta sa barangay.
Tinukoy ng senador ang mga panukalang batas para sa barangay na kanyang inihain sa pagdalo nito sa Barangay Captains Day sa Lingayen, Pangasinan.
Iginiit ng senador ang kahalagahan ng grassroot leadership sa pagunlad at pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko sa mga komunidad.
Dahil dito, binigyang-diin ni Go ang Senate Bill No. 197 o ang Magna Carta for Barangays na layong kilalanin at bigyan pa ng higit na suporta ang mga mahahalagang papel ng mga barangay officials.
Nariyan din ang Senate Bill 427 na nagbibigay mandato na bigyan ng allowance, insentibo, seguridad sa trabaho at iba pang benepisyo ang mga barangay health workers at ang Senate Bill 2802 na naglalayon namang gawing permanente ang termino ng mga opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan ng anim na taon.