Tiniyak ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, na hindi makadaragdag sa lalo pang pagtaas ng inflation o presyo ng mga bilihin ang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Brosas, ito ay dahil iikot din sa lokal na ekonomiya sakaling magkaroon ng wage increase dahil gagastusin din ito ng mga manggagawa.
Giit ni Brosas, panahon na para itaas ang sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor dahil tumaas din naman ang profit ng mga malalaking korporasyon bukod sa tumaas din ang productivity.
Una rito ay umapela si Brosas kay Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahang urgent ang mga panukalang batas na nagtatakda ng salary increase.
Facebook Comments