Mga panukalang pinadedeklarang krimen ang red-tagging, pinamamadali sa Kamara

Pinakikilos na ang Kamara para tuluyang pagtibayin ang ilang mga panukalang batas na nagsusulong na ideklarang krimen ang “red-tagging”.

Sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa House Committee on Justice ang House Bills 9170, 9309 at 9437.

Para sa mga may-akda ng Anti Red-Tagging Bills, napapanahon na ituring na krimen ang red-tagging dahil sa mga posibleng panganib na maidudulot nito sa mga taong apektado.


Posibleng makaranas ang mga biktima ng red-tagging ng harassment, ilegal na pag-aresto at masampahan ng mga gawa-gawang kaso o kaya’y mapatay pa.

Nababahala rin ang mga nagsusulong ng panukala na kapag opisyal ng pamahalaan ang nangunguna sa red-tagging, maaaring nagagamit din dito ang pondo ng taumbayan.

Facebook Comments