Mga panuntunan para sa full face-to-face classes, ilalabas ng DepEd pagkatapos ng Agosto 15

Maglalabas ng guidelines o panuntunan ang Department of Education (DepEd) para sa full face-to-face classes pagkatapos ng Agosto 15.

Ayon kay DepEd Spokesman Michael Tan Poa, kasalukuyan na nilang inaayos ang mga detalye para sa pagbabalik eskwela, kung saan bibigyang-linaw rin ang iba’t ibang katanungan.

Dagdag pa ng opisyal, na pinag-aaralan pa ng Department of Education (DepEd) ang mga exception na ibibigay sa mga paaralang hindi makakapagpatupad ng in-person classes sa Nobyembre 2.


Samantala, nilinaw naman ni Poa na mandatory pa rin ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan simula Nobyembre 2.

Facebook Comments