Mga panuntunan para sa gradual implementation ng face-to-face classes sa darating na school year, inilatag ng DepEd

Inilatag ng Department of Education (DepEd) ang guidelines o mga panuntunan para sa unti-unting pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa School Year 2022-2023.

Ayon sa ng DepEd Order No. 034, hindi na kakailanganin ang mga inspeksyon, kasangkapan, o anumang karagdagang requirement upang muling buksan ang mga paaralan at ipatupad ang limang araw na in-person classes, bukod sa pagsunod sa pre-pandemic regulatory permit at lisensya alinsunod sa batas o ordinansa.

Binigyan din ng DepEd ang mga paaralan ng tatlong options para sa unti-unting pagpapatupad ng in-person classes, ngunit ang implementasyon nito ay hanggang Oktubre 31 lamang.


Maaaring ipatupad ng mga paaralan ang:

1. Limang araw na face-to-face classes;
2. Blended learning modality (3 araw na in-person at 2 araw na distance learning o 4 na araw na in-person at 1 araw na distance learning); at
3. Full distance learning

Pero simula sa Nobyembre 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan ay dapat sumusunod na sa 5 araw na in-person classes.

Walang paaralan ang papayagang magpatupad ng purong distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Mode.

Facebook Comments