Mga panuntunan sa Green Lanes, nirebisa ng IATF

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagrebisa ng rules hinggil sa “Green Lanes” para sa mga fully vaccinated international arriving passengers sa Pilipinas mula alas-12:01 ng hatinggabi sa Lunes, July 26, 2021.

Ayon sa IATF, ang mga pasaherong galing sa ibang bansa, saan man ang kanilang point of entry ay kinakailangang sumailalim sa 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing sa ikalimang araw ng pagdating.

Kinakailangan ding makatugon ang mga ito sa kondisyon kabilang na ang pinagmulang bansa nila ay dapat pasok sa green countries o green list, fully vaccinated at dapat maberipika ang kanilang vaccination status pagdating nila sa Pilipinas.


Samantala, ang Bureau of Quarantine (BOQ) naman ay dapat mahigpit na i-monitor ang 7-day facility-based ng mga ito at kapag natapos na ang pagku-quarantine, mag-iisyu ang BOQ ng Quarantine Certificate.

Ang mga international arriving passengers naman ay dapat sumailalim sa 10-day facility-based quarantine, swab test sa ikapitong araw at kapag negatibo ay itutuloy ang nalalabing 4 na araw na pagku-quarantine sa kanilang tahanan.

Habang ang mga pasahero naman na in-transit sa mga bansang hindi kabilang sa green list ay hindi dapat tratuhing galing sa mga bansang hindi pasok sa green list.

Una nang tinukoy ng IATF ang green countries bilang mga bansa sa mundo na may mababang bagong kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccine deployment o marami na ang nabakunahang mamamayan.

Facebook Comments