Mga panuntunan sa ilalim ng MGCQ, inilabas na ng IATF

Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga panuntunan para sa mga lugar na isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) pagkatapos ng May 31.

Sa ilalim nito, papayagan na ang mga mass gathering tulad ng sporting events, concerts, movie screening at iba pang entertainment activities at religious gatherings.

Pero paglilinaw ng IATF, dapat ay limitado lang sa 50% ang venue at seating capacity.


Papayagan na ring magbukas ang mga salon, barber shop at iba pang personal care service establishments.

Pwede na rin ang dine-in services sa mga food retail establishments tulad ng supermarket, grocery at food preparation establishments basta’t susundin ang parehong mga panuntunan.

Maaari na rin ang private transportation sa ilalim ng MGCQ areas batay sa panuntunan na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr).

Samantala, pinag-aaralan pa ng IATF ang mga lugar na isasailalim sa MGCQ.

Facebook Comments