Mga panuntunan sa paghahain ng Certificate of Candidacy, itinakda na ng Comelec

Nagtakda na ang Commission on Elections (Comelec) ng panuntunan sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na magsisimula bukas, Oktubre 1.

Ayon sa Comelec, tatlo lamang ang papayagang makasama ng maghahain ng COC para sa pagpresidente at bise-presidente sa 2022 national election.

Habang dalawa naman ang pwedeng kasama ng maghahain para sa senador at partylist.


Kailangan namang sumailalim ng mga ito sa antigen test bago makapasok ng venue at dadalhin sa isolation area ang sinumang magpopositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, mahigpit ding ipagbabawal ng Comelec ang pag-iingay, pagtambay at pagse-selfie sa venue.

Facebook Comments