Mayruon ng binuong Technical Working Group (TWG) ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na nag-aaral at gumagawa ng bagong polisiya para makapasok sa malls ang mga bata.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na nagpulong na kahapon ang binuong TWG at pinaplantsa na lamang ang ilan pang detalye.
Sa katunayan, sa Parañaque ay may ilalabas na Executive Order (EO) ang lokal na pamahalaan kung saan hindi papayagang makapasok ng malls ang mga 112 years old pababa.
Papayagan lamang ang mga ito sa al fresco setting pero kailangang may kasamang fully vaccinated na magulang o guardian.
Pero ito aniya ay naka-pending pa at upon approval ng konseho.
Sila naman aniya sa DILG ay suportado ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng age restrictions ang mga papasukin sa mall dahil sadyang mapanganib kung dadalhin sa maraming tao ang mga batang wala pang bakuna laban sa COVID-19.