Mga panuntunan sa pagsasailalim sa isang lugar sa mas mataas na alert level kasunod ng banta ng Omicron XE, tiniyak na susundin parin ng pamahalaan

Tiniyak ng isang health expert na may mga susundin paring mga guidelines o metrics ang pamahalaan hinggil sa paglalagay ng isang lugar sa mas mataas na alert level.

Ito ay kasunod nang posibilidad na makapasok narin sa bansa ang Omicron XE na una nang nadetek sa Thailand at United Kingdom.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert na posibleng mailagay muli sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa kung tataas ang kaso at kung mapupunong muli ang mga ospital.


Pero kung mataas naman aniya ang vaccination coverage dahilan para hindi ma overwhelm ang mga ospital ay sapat na para manatili ang malaking bahagi ng bansa sa Alert Level 1.

Kasunod nito, pinapayuhan ni Dr. Salvaña ang publiko na samantalahin ang pagkakataon, magpabakuna at magpa-booster shot na para kung saka-sakali mang makapasok sa bansa ang Omicron XE ay mataas parin ang proteksyon laban sa virus samahan pa ng pagsunod sa health and safety protocols.

Facebook Comments