Lalagdaan ngayong araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of National Defense (DND) ang joint implementing guidelines para sa pamamahagi ng emergency assistance o ayuda sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng Bagyong Odette alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing pondo ay ilalabas direkta sa mga Local Government Unit (LGU) na sakop ng State of Calamity.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ang target beneficiaries o low-income families ay makakatanggap ng P1,000 kada tao o maximum P5,000 sa kada pamilya.
Inaatasan naman ng DILG ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbigay ng tulong o umasiste sa pamamahagi ng ayuda.
Bago naman maipamahagi ang pondo, kinakailangang naka-post sa social media ng barangay o sa mismong barangay hall.
Samantala, binibigyan naman ng 15 araw ang bawat LGU upang ipamahagi ang cash assistance sa target beneficiaries.
Gagabayan ng DSWD ang bawat LGU sa pamamahagi ng ayuda at ang DILG naman ang magmo-monitor at magsu-supervise sa pamamahagi ng financial assistance.