Mga paparating na bakuna mula sa Russia, trial order pa lang ayon sa Palasyo

Trial order pa lamang muna ang paparating na 15,000 doses ng Sputnik V na mula sa Russia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, talagang kakaunti muna ang inorder na mga bakuna mula sa Gamaleya upang mapag-aralan ng pamahalaan ang tamang handling o pangangalaga dito.

Sinabi ng kalihim na ang Sputnik V kasi ay nangangailangan ng 18 degrees Celsius dark place temperature at ito ang kauna-unahang bakuna na ganito ang required temperature.


Paliwanag ni Roque, ang Sinovac at AstraZeneca kasi ay hindi maselan dahil kaya itong i-store sa ordinaryong refrigerator lamang.

Bukas inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng Sputnik V.

Nabatid na higit 91% ang efficacy rate ng Sputnik V dahil gumagamit ito ng magkaibang adenoviral vector sa 1st at 2nd dose, dahilan para mas maging mataas ang efficacy rate nito kumpara sa ibang mga bakuna na panlaban sa COVID-19.

Facebook Comments