Itatabi na ang mga bakunang darating sa bansa.
Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na may paglalaanan na ang pamahalaan para sa mga parating na bakuna sa buwan ng Disyembre.
Aniya, hindi na ito gagamitin bagkus ang mga ito ay gagamitin na sa unang bahagi ng 2022.
Sa ngayon, sabi ni Galvez, nasa 53 milyong doses ang mayroon sa warehouse habang may nakatakda pang dumating na 17 million doses.
Sa sandaling dumating na ito, sinabi ni Galvez na maaabot na ng bansa ang 140 million doses na siya namang kailangan para makamit ang quota ngayong taon upang kumpletong mabakunahan ang 70 milyong target population.
Sa ngayon ay nasa 41.31% ng target population sa buong bansa ang fully vaccinated na laban sa virus o katumbas ng 31.8 million na mga Pilipino.