Mga papasok sa bansa, hinikayat ng DOH na magpabakuna laban sa Polio Virus

Hinikayat ng Dept. of Health (DOH) ang mga indibidwal na papasok sa bansa na magpabakuna laban sa Polio Virus.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, ang lahat ng biyahero, mapa-Pilipino man o dayuhan ay kailangang mabakunahan ng single dose ng IPV o Inactivated Polio Vaccine apat na Linggo bago ang nakatakdang travel nito sa Pilipinas.

Mainam din na magpabakuna na sa ibang bansa bago pumunta ng Pilipinas.


Nilinaw ng DOH na walang travel restrictions sa pilipinas sa gitna ng polio declaration sa bansa.

Facebook Comments