Mga papasok sa trabaho at iba pang may mahalagang gagawin, balik sa paglalakad at pagbibisikleta ngayong unang araw ng pagpapatulad ng MECQ

Nag-ipon ng lakas ang ilang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bilang paghahanda sa mahabang lakaran o pagbibisikleta ngayong inilagay muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan.

Sa pag-iikot ng DZXL Rmn Manila, maraming naglalakad papasok ng mga trabaho ngayong araw ng MECQ at ang iba ay maituturing na swerte dahil kahit papaano’y may bisikletang nagagamit.

Kabilang sa mga naglakad papasok sa trabaho ay si Ginoong Jun na tanggap ang naging desisyon ng gobyerno sa pagpapatupad ng MECQ na may kaakibat na tigil pasada sa public transport.


Samantala, dito sa Batasan Boundary ng San Mateo Rizal ay balik sa paghihigpit sa mga dumaraan.

Hinahanapan sila ng permit patunay na sila ay Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Facebook Comments