CAUAYAN CITY – Boluntaryong isinuko ng isang tindero ang kanyang mga binebentang firecracker na walang permit sa Brgy. Minanga, Piat, Cagayan.
Batay sa ulat ng kapulisan, agad silang nagsagawa ng beripikasyon matapos makatanggap ng tawag galing sa isang concerned citizen tungkol sa mga binebentang paputok sa isang tindahan kung saan ay napag-alaman na walang permit ang mga ito.
Narekober sa tindahan ang 81 piraso ng rocket fireworks o kwitis, 18 piraso ng malalaking Piccolo, at 43 piraso ng maliliit na Piccolo kung saan ay boluntaryo itong isinuko ng may-ari sa awtoridad.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Piat Police Station katuwang ang deputized personnel ng Regional Civil Security Unit 2/Firearms and Explosive Office (RCSU2/FEO).
Facebook Comments