Mga paraan ng Pilipinas para matugunan ang demand ng green technology kasabay ng isinusulong na paggamit ng renewable energy, inilahad ni PBBM sa APEC leaders informal dialogue sa Amerika

Inisa-isa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga ginagawang paraan ng Pilipinas para tugunan ang high-cost ng green technology kasabay ng isinusulong na paggamit ng renewables mula sa paggamit ng fossil fuel dahil na rin sa epekto ng climate crisis na nararanasang sa buong mundo.

Sa intervention ng pangulo sa APEC Leaders’ Informal Dialogue and Working Lunch sa Moscone Center sa San Francisco, California, sinabi nitong ang sagot sa high cost ng green technology ay pagtutulungan para sa pagunlad, liberalization ng sectors ng bawat bansa at facilitation ng green trade and investment.

Inihalimbawa ng pangulo ang ginawa sa Pilipinas na pagbibigay ng full ownership sa solar, wind at geothermal sectors, pagbawas sa ibinabayad na taripa sa environmental goods, pagkakaroon ng advanced promotion at pag-adapt sa renewables energy sources.


Idinagdag pa ng pangulo ang ginagawang pag-promote ng Pilipinas para sa digitalization at innovation para sa resilient at sustainable future.

Punto ng pangulo, naniniwala siyang sa paggamit ng science, technology, pagkakaroon ng innovation at cooperation sa pagsasaliksik ay makababawas sa costs ng pag-unlad, mapapa-angat ang kalidad ng mga teknolohiya at mapabibilis ang climate mitigation solutions.

Facebook Comments