
Hindi na papatulan ng Malacañang ang pahayag ni Cavite Rep. Kiko Barzaga na plano umanong siyang ipaaresto ng administrasyong Marcos dahil sa kanyang mga pahayag tungkol sa isyu ng secession.
Kasabay nito, ipinost din ni Barzaga sa social media na idineklara umano ng administrasyon na inosente si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahirap bigyan ng matalinong tugon ang mga paratang na walang malinaw na basehan.
Giit ni Castro, mas mabuting tanungin muna si Barzaga kung saan nanggaling at ano ang pinagmulan ng kanyang mga sinasabi.
Facebook Comments









