
Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na harapin ang hustisya, at tigilan ang pagtatago matapos ang mga inilabas nitong akusasyon laban sa kanya.
Ayon sa pangulo, wala nang bigat ang mga paulit-ulit na paratang ng dating kongresista lalo’t hindi ito nagpapakita at puro sa online lamang bumabanat habang may kinakaharap na kasong graft at malversation.
Giit ng pangulo, siya na mismong inaakusahan ay hindi tumatakbo sa anumang alegasyon laban sa kanya, kaya’t patas lang umano kung haharap din sa proseso ang dating mambabatas na ngayo’y may Interpol Blue Notice.
Kung gusto aniya ni Co na magkaroon ng saysay ang mga sinasabi niya, umuwi muna siya at panagutan ang kaso at hindi ’yung puro sigaw mula sa malayo.
Facebook Comments









