Mga pari at obispo, pinapaalalahanan ng CBCP sa pag-endorso ng mga kandidato

Naglabas ng paalala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga lider ng simbahan na maging mahinahon sa pagsali sa pulitika para sa 2022 elections.

Ayon kay CBCP Vice President at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, bilang bahagi ng “One Godly Vote” na voters education campaign, karapatan ng mamamayan kasama na ang mga pari at madre na pumili ng iboboto sa halalan.

Ngunit bilang isang alagad ng simbahan ay kailangan pangalagaan ng bawat isa ang kanilang pagkakakilanlan o “identity”.


Sinabi pa ni Bishop Vergara, maaari naman ilahad ang preference na kandidato pero kailangan pa rin na mag-ingat.

Nilinaw pa ni Bishop Vergara na lumalampas o crossing borders ang lantarang pag-e-endorso ng isang pari at obispo sa kanyang sinusuportahang kandidato na aniya ay hindi tiyak ang magiging resulta.

Ang paalala ng obispo ay may kinalaman na rin sa hayagang pag-e-endorso ng ilang pari at madre ng mga politiko lalo na ng mga kandidato bilang pangulo ng bansa.

Facebook Comments