Mga pari na babatikos sa Pangulo sa labas ng simbahan, matatanggap ng Pangulo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatanggap naman niya ang mga batikos ng mga pari basta hindi ginagamit ng mga ito ang pulpito o binabatikos siya sa kanilang mga sermon sa misa.

 

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa PDP-Laban Rally sa Negros Occidental ay sinabi nito na kung gusto ng mga pari na batikusin siya ay lumabas ang mga ito at  doon magsalita dahil mayroong separation of church and state.

 

Paliwanag ng Pangulo walang makapipigil sa isang Pilipino na batikusin siya at ang kanyang administrasyon.


 

Kung gagamitin kasi aniya ng mga pari ang pulpito ay kinakatawan nito ang simbahan o ang Vatican kaya kung babastusin siya ng mga pari ay babastusin din niya ang mga ito.

 

Binatikos pang muli ni Pangulong Duterte ang mga pari kung saan ay sinabi nito na mismong si Pope Francis ay umamin na mayroong pang-aabuso sa kanilang hanay at nagpatawag pa nga ito ng isang pulong ng mga Cardinal sa Vatican para pag-usapan ang issue ng pang-aabuso ng ilang taga simbahan sa mga bata.

Facebook Comments