Magpapatupad ng lockdown ang mga simbahan ng Dioceses ng Cubao at Novaliches, simula ngayong araw bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, isasara muna ang mga simbahan mula March 22 hanggang April 4.
Hinihikayat nila ang mga mananampalatay na manatili sa loob ng kanilang bahay.
Bagama’t nakadudurog ng puso na isara ang mga simbahan ngayong “highest point” ng liturgical year, sinabi ni Ongtioco na dapat isipin din ang kapakanan ng mga mananampalataya.
Pagtitiyak niya na ginagawa ng lahat ng religious leaders at ilang ministeriyo ng makakaya para gunitain ang Semana Santa sa ligtas at online na pamamaraan.
Sabi naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, kailangang isara ang mga simbahan para mapigilan ang paglala pa ng pandemya.
Nakiusap sila sa publiko na manood sa online streaming ng mga Banal na Misa at iba pang aktibidad.
Ang Diocese of Cubao ay magbubukas muli sa Easter Monday, April 5 habang ang Diocese of Novaliches ay magbabalik sa Easter Sunday, April 4.