Mga parol na likha ng 148 public schools sa bansa, tampok sa Christmas tree lighting sa Malacañang

COURTESY: Presidential Communications Office

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang taunang Christmas tree lighting sa Malacañang kagabi.

Ang seremonya ay dinaluhan ng iba’t ibang personalidad at opisyal ng gobyerno.

Kasabay ng Christmas tree lighting, pinarangalan din ang mga nagwagi sa National Parol Making Competition.


Itinanghal na first place winner ang mga estudyante ng Pedro V. Panaligan Memorial National High School mula sa Oriental Mindoro.

Ang mga nagwaging estudyante ay nag-uwi ng ₱1,000,000 at makakatanggap din ng hiwalay na ₱500,000 ang kanilang eskwelahan.

Habang nasa ikalawang puwesto naman ang Panabo City National High School ng Davao del Norte na nag-uwi ng ₱500,000 at ₱300,000 para sa kanilang eskwelahan.

Pang 3rd place ang Roxas City School for Philippine Craftsmen mula Capiz na nag-uwi ng ₱300,000 at ₱200,000 para sa kanilang school.

Sila ang nangingibabaw sa 148 public schools mula sa iba’t ibang panig ng bansa na nakiisa sa naturang patimpalak na inorganisa ng Office of the President, Office of the Social Secretary, at ng Department of Education (DepEd).

Ang mga nagwaging parol ay kasamang idinisenyo sa higanteng Christmas Tree ng Palasyo ng Malacañang.

Facebook Comments