Walang nakitang serious adverse events sa mga partisipante ng clinical trials ng lagundi bilang gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang kondisyon ng mga pasyenteng may mild COVID-19 ay hindi humantong sa moderate hanggang severe cases.
Ang lagundi clinical trials ay mayroong dalawang bahagi – ang dose-finding at safety study, at ang placebo-controlled clinical trial.
Ang screening at recruitment ng mga partisipante para sa una at ikalawang bahagi ng trial ay natapos na.
Sinabi ni Dela Peña na nasa kalagitnaan na ng analysis para sa ikalawang bahagi ng trial ang project team na pinangungunahan ni Dr. Cecilia Nelia Maramba-Lazarte ng University of the Philippines (UP) –National Institute of Health (NIH).
Aabot sa 278 participants ang naka-enroll sa clinical trial mula sa pitong quarantine facilities.