Mga pasahero na gustong humabol sa New Year, delayed ang biyahe dulot ng sama ng panahon

Nagkukulang ngayon ang mga bumibiyaheng bus patungong Iloilo at ibang lugar sa Visayas.

Dahil dito, perwisyo ang kinakaharap ng mga gustong humabol sa selebrasyon ng Bagong Taon sa mga probinsiya.

Marami ang nagpalipas ng magdamag sa Araneta Bus Terminal at nagbabakasakali na may sa bumibiyaheng pampasaherong bus.


Pahirapan ang pagpasok sa Metro Manila ng mga pampasaherong bus dulot ng sama ng panahon na dala ni bagyong Usman.

Sanhi nito, apektado ngayon ang paghakot ng roro sa mga bus sa Port Calapan, Oriental Mindoro kaya madalang ang mga provincial buses na agad na makabalik sa Kamaynilaan.

Facebook Comments