Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa Araneta bus terminal

Kumpara sa mga nagdaang araw, unti-unti nang dumadami ang bilang ng mga pasahero na umuuwi sa mga Lalawigan bago ang Undas .

Maaga pa lamang, pansin na ang pagdagsa ng mga pasahero sa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Mas marami ang mga pauwi ng Bicol Region at Iloilo sa Visayas.


Pero kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon, mas kakaunti pa rin ang bilang ng mga pasahero ngayon.

Base sa impormasyon, maraming pasahero ang nag “advance booking” para sa October 30 at 31.

Kaya inaasahan sa mga araw na ito ang dagsa ng maraming pasahero.

Gayunman, mahigpit na ang seguridad na ipinatutupad sa  Araneta Terminal.

Facebook Comments