Mga pasahero ng lumubog na motorbanca sa Tawi-Tawi, nailigtas ng Philippine Navy

Nasagip ng Philippine Navy ang 26 na pasahero na lulan ng isang motorbanca na M/L Bangsata malapit sa isla ng Taganak sa Tawi-Tawi.

Sa ulat ng Phil. Navy, unang namataan ng Singapore-flagged tanker EONIA ang naturang motorbanca at agad itong ipinabatid sa mga awtoridad.

Agad namang nagkasa ng rescue operation ang Naval Monitoring Station Tagana at ipinadala ang kanilang patrol craft PC390.


Nang makarating ang mga tauhan Phil. Navy sa lugar, nakita ang mga survivor na nakakapit sa debris ng lumubog na bangka.

Binigyan ng atensyong medikal, pagkain at damit ang mga nasagip na pasahero.

Facebook Comments