Mga pasahero ng MRT-3 na hindi naka-face mask at face shield, hindi papapasukin sa loob ng istasyon at pasasakayin ng tren ayon sa DOTr

Hinihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) hindi papapasukin sa loob ng istasyon at pasasakayin ng tren ang mga pasaherong walang suot na face mask at face shield sa oras na magbalik-operasyon ang MRT-3.

Ayon kay DOTr Secretary Arthrur Tugade, ito ay pagsunod sa Memorandum Circular 2020-014 ng ahensya na inilibas noong Agosto 3 ngayong taon na kinakailangang magsuot ng face shield ang mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon, maliban pa sa face mask.

Aniya na layunin nito na madagdagan ang proteksyon ng commuters laban sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) at mabawasan ang tsansa na mahawa sa virus.


Iginiit ni Tugade, magiging kabilang na ito sa mga health protocol ng MRT-3 upang matiyak na ligtas ang commuters laban sa banta ng virus.

Patuloy pa ring ipinatutupad ang mga umiiral na health quarantine tulad ng one-meter social distancing sa loob ng istasyon at mga tren, pagbabawal sa pagsasalita sa loob ng tren at masusing pagdi-disinfect ng mga istasyon at mga bagon.

Facebook Comments