
Magbibibgay ang Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 ng libreng single journey tickets (SJT) sa mga pasaherong hindi nakapag-tap out sa mga MRT-3 station dahil sa system errors noong isagawa ang pilot run ng cashless payments sa naturang linya ng tren.
Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, mayroon kasing mga napaulat na kaso ng mga pasaherong nakaltasan ng maximum fare na P28 dahil sa isyu sa sistema.
Bilang solusyon, ang mga apektadong pasahero ay mabibigyan ng non-expiring SJT na katumbas ng maximum na pasahe sa MRT na puwede nilang gamitin sa kanilang susunod na pagsakay.
Sa mga kukuha ng SJT, magtungo lamang sa mga ticket booth ng MRT-3 at ipakita ang proof na nagkaroon ng aberya sa tap-out transaction.
Facebook Comments









