Nabawasan ng mahigit 62,000 ang mga pasahero na naseserbisyuhan ng MRT-3 dahil sa mahigpit na ipinatutupad na health protocol at physical distancing, ito’y mula sa halos kalahating milyong pasahero nila kada araw.
Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, kung dati ay umaabot sa mahigit walong daang (800) pasahero sa bawat biyahe ng tren, ngayon ay mayroon na lamang 160 na mga pasahero.
Bagama’t nananatili sa 18 ang tumatakbong tren sa maghapon ay hindi rin naman binawasan ang oras ng operasyon nito.
Wala na ring naitatalang aberya sa mga tren mula ng magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020.
Aminado ang MRT-3 management na nabawasan ang kanilang kita mula nang magpatupad ng mga pagbabago sa operasyon ng tren.
Facebook Comments