Mahigit 850 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pinababa sa Boni Station ngayong hapon dahil sa aberya.
Pahayag ng pamunuan ng MRT, tumigil ang tren pasado alas-5 ng hapon dahil sa electric failure ng motor.
Dumating ang kasunod na tren matapos ang pitong minuto nung pababain ang mga pasahero.
Nangako ang MRT 3 management na agad papalitan ang piyesa ng nasirang tren.
Narito ang kabuuang anunsyo sa kanilang Facebook page:
Facebook Comments