Mga pasahero ng MRT, obligado nang sagutan ang health declaration forms

Obligado na ngayon ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT- 3) na sagutan ang health declaration forms bago sumampa sa loob ng mga tren.

Ito’y bahagi nang pinahigpit na contact tracing sa mga commuters.

Ang forms ay ibinibigay habang nakapila ang mga pasahero, bago sumailalim sa full-body checking at pumasok sa turnstile area sa loob ng istasyon.


Isusulat ng mga pasahero ang kanilang detalye sa health declaration form, kabilang ang pangalan, address, contact number, station entry, petsa at oras, temperatura at kung nakararanas ba ng mga sintomas ng COVID-19.

Paliwanag ng MRT- 3, mananatili ang ganitong sistema sa pagsakay sa tren para matiyak ang kaligtasan ng sinuman laban sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments