Sinagip ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao ang nasa 165 pasahero at crew matapos mabalahaw sa karagatan ang sinasakyan nilang bangka.
Ayon kay Niño Fernando Cunan Acting Public Affairs Officer, Naval Forces Western Mindanao agad rumesponde ang BRP Florencio Iñigo (PC393) matapos matanggap ang distress call mula sa nabalahaw na watercraft sa karagatang sakop ng East Bolod Island, Sulu kamakalawa.
Nasa 52 adults at 18 mga bata ang inilipat sa BRP Florencio habang ang iba pang 95 pasahero ang nanatili sa nabalahaw na sasakyang pandagat habang ito ay hinihila patungong Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon, Zamboanga City.
Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente.
Facebook Comments