Mga pasahero ng PAL flight na na-divert sa Japan, tinulungan ng Philippine Embassy sa Tokyo para makakuha ng visa habang naghihintay ng eroplano

Kinumpirma ni Transportation Sec. Vince Dizon na tinutulungan na ng Philippine Embassy sa Japan ang mga pasahero ng na-divert na eroplano ng Philippine Airlines (PAL) para makakuha ng visa.

Ito ay para makapagpahinga sa labas ng airport ang mga pasahero habang naghihintay ng kapalit na eroplano patungong Los Angeles, California.

Ayon kay Dizon, inatasan niya na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Civil Aeronautics Board (CAB) na imbestigahan ang insidente.

Patungo sana ng Los Angeles, California USA ang nasabing aircraft nang umusok ang isa sa air condition units nito.

Ligtas naman na naibaba ng eroplano sa Haneda Airport sa Japan ang 355 pasahero at crew ng nasabing PAL flight.

Facebook Comments