Mga pasahero, patuloy ang pagdagsa sa NAIA sa harap ng nalalapit na 72-hour deadline dahil sa Enhanced Community Quarantine

Patuloy ang pagdagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ng mga pasaherong patungo sa iba’t ibang bansa.

Ito ay dahil ang iba sa kanila ay nagpa book ng maagang flights paalis ng pilipinas dahil sa pangambang maabutan ng 72hrs extension na inanunsiyo ng Department of Tansportation (DOTr) kahapon  kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Ang iba sa kanila ay kahapon pa sa NAIA at natulog sa paliparan para lamang mabigyan ng tsansa ng kanilang airlines na makalipad ng mas maaga.


Gayunman, nasa paliparan na sila nang muling binawi ng DOTr ang 72–hour window para sa international flights ngayong araw.

At kahit pa na nalift na ng DOTr ang nasabing 72-hour window flight para sa international flights ay hindi na rin silang maaring makaalis ng paliparan dahil sa hirap ng masasakyan.

Naging emotional ang ilang pasahero matapos silang maglakad ng tatlong oras mula Macapagal Boulevard sa Pasay City patungong NAIA na bitbit ang kanilang mga bagahe dahil sa wala na ngang masasakyan.

Kinansela na rin kasi ng kanilang hotel ang kanilang accomdation sa Pasay City dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa lugar.

Matatandaan kahapon inansunsiyo na papayagan lamang ng DOTr aviation sector na lumipad ng palabas ng bansa ang lahat ng dayuhan sa loob lamang pitumput dalawang oras lamang simula mapatupad ang Enhanced Community Quarantine kahapon at hindi papayagan umalis ng bansa ang mga turistang Pilipino.

Facebook Comments